Sanaysay

                  Ayon kay Alejandro Abadilla ang sanaysay ay maraming kategorya, ito'y may mga pormal na sulatin.
                  Ang tunguhin ng sanaysay sa kasaysayan ng panitikang Filipino ay ang mga manunulat noong mga nakaraang nakalipas na panahon, ang mga likha nilang sanaysay ang naging tulay hanggang ngayon. Upang malaman at mabigyang impormasyon ang bawat anggulo ng kasaysayan ng panitikang Filipino. Ito'y naging daluyan ng mga ideya sa pamamagitan ng pagsulat sa kanilang sanaysay, ang bawat mga ideya at impormasyon na tungkulin nilang ibigay sa bawat mambabasa.
                  Maituturing na sanaysay ang talambuhay, dahil ang sanaysay ay may katangian na mailathala o isulat ang iyong sariling opinyon at karanasan, samantalang ang talambuhay ay mga piling pangyayari sa buhay ng tao, na may isang katangian sa pagsusulat ng sanaysay.
                  Bilang ambag ng sanaysay sa anyong pampanitikan. Ang sanaysay ang nagbibigay halaga sa bawat pangyayari noon na umambag sa bawat kaalaman ng tao ngayon tungkol sa nakaraan.
                  Nilikha ang sanaysay upang may masulatan ang mga tao, o mga propesyunal na manunulat tungkol sa kanilang sariling impormasyon bilang dagdag sa iyong kaalaman sa madaling pamamaraan.
                  May mga isyu na lumitaw ukol sa pagsasanaysay sa Pilipinas. Mga isyu na katlad sa Martial Law na bawal kang gumawa o lumikha ng isang sanaysay laban sa gobyerno, lalong-lalo na sa Pangulo ng Pilipinas, sapagkat buhay mo ang kabayaran sa iyong nilikhang sanaysay.
                  Ang pormal ay literal na dapat ay pormal ang iyong sanayasay na walang halong "gaylenggo", jeje words at mga iba't ibang klase ng balbal na salita. Samantalang ang impormal na sanaysay ay sariling sulat ng sanaysay, malaya at mayroon kang kakayahan na gumamit ng mga iba't ibang impormal na lenggwahe na iyong ibabahagi, o isusulat sa iyong sanaysay.
                  Ang katangian ng malikhaing sanaysay ay maluwag at umaangkop depende sa uri ng mga isusulat ng isang manunulat ng sanaysay.
                  Madalas sulatin ang malikhaing sanaysay dahil ito ang pinakamadaling paraan upang maipahayag ng bawat manunulat ng sanysay ang kanilang sariling opinyon o karanasan sa buhay bilang ebidensya sa sariling likhang sanaysay.
                  Maituturing na malikhaing sanaysay ang blog/blogging, dahil ang blogging ay isa ring uri ng madaling pamamaraan upang magbigay ng ideya sa mga mambabasa na syang tungkulin/tunguhin ng isang malikhaing sanaysay.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Photo essay - Responsibilidad ni Ina