Awtobiograpiya

                    Walong bwan palang raw ako ng iwan at paalagaan ako ni mama sa lola ko, pati narin ang kuya ko. Habang nasa puder ako kami ni lola sa lucena si mama ay busy sa pagtatrabaho sa Maynila. Umuuwi siya kapag day off  nya sa trabaho. Isang beses naalala ko, saktong uwi ni mama galing maynila nag-iinom sila tiyo, pinatagay nila ng isang tagay si kuya nok. Kaya pagkarating ni mama ako lang ang mag isang sumalubong kay mama, si kuya nok ay hindi makalapit kay mama. "Ba't di nalapit si kuya nok?" si mama. "Pamo pinainom ako ng alak nila tiyo " si kuya nok habang iyak ng iyak. Tawang-tawa naman si mama, akala siguro ni kuya nok papagalitan sya ni mama. Dati nga pala nauwi pa samin si papa. Ang lagi nyang pasalubong ay tinapay. Kapag andun si papa samin naglalaro kami ng habulan, ako aba-aba ni papa habang si kuya nok naman ang taya na naghahabol samin paikot-ikot lang kami sa tindahan, doon kami naghahabulan. Pero habang lumilipas ang panahon si mama nalang umuuwi samin si papa, namalayan namin na di na sya mnauwi samin. Si mama di na kami kinuha kay lola pero sinusuportahan nya kami financially. Masaya naman ako ngayon sa lola ko ako nakatira si kuya nok nagtatrabaho sa maynila. Si mama ang nagbibigay ng baon ko pagpasok sa school, kuya ko ang nagbabayad ng tuition ko. Dati ang pangarap ko maging isang Teacher, pero ngayon Pulis na, sigurado nako na pulis ang gusto ko.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Photo essay - Responsibilidad ni Ina