"Sampong Piso"

                     Naaglalakad ako. Papunta saan? basta, daretso-daretso lang ako ng paglalakad.
                     Sumakay ako sa tinatawag nilang padyak. Doon o nakilala si Manong Pula, pula ang pangalan nya kasi raw, may balat s'yang pula sa noo, mga kasing-laki ng sampong pisong buo. Yon ang bansag sa kanya ng kanyang mga kapwa magpapadyak.
                     "May walo akong mga anak. Yung panganay, nasa Maynila. Nakalimutan na siguro kami. Lalake s'ya, si Marvince. Sumunod ang dalaga kong magdedebut na sa a-kinse ng pebrero. Mayroon na rin akong anak, na nasa langit. Mauuna na raw siya" saad ni Manong Pula,"
                     "Mahigit dalawang daan, malaking kita na'yun sa isang araw. Bukod pa, kung 'di barat ang mga pasahero ko na dalawa o higit pa, ang sakay kasama ang mga dalahin nilang pagkabibigat. Tapos bente pesos lang ang ang ibabayad sa'yo, Aba mga walang pakundangan. Hina-hapo na nga ako sa pagpapadyak sa layo. Simula dalajican hanggang Kanluran. Mga wala bang konsiderasyon," saad pa niya,"
                     "Pero ang talagang pasahe ng isang pasahero ay sampo kada isa; ang bata konsiderayon na'yun sa pagdagdag ng bayad. Kapag nakakadaan ako sa bahay namin, sa Perez lang kasi kami nakatira, kapag ang pasahero ko'y malapit doon ang bahay. Naghahatid na'ko diretso ng isang kilong bigas pantustos sa isang kainan ng aking pamilya."
                      "Ako hangga't kaya ko magtipid, kinakaya . Bumibili ako ng tiglilimang pisong tinapay, 'yung empanada at dalawang tig-dodos na kalihim. Yun na ang aking tanghalian. Hindi na ako sumasalo sa tanghalian ng pamilya ko. Kasi, alam ko namang kulang ang binibigay ko sa asawa ko. Pero nagsisikap naman ako, hija! Para maitaguyod ang pamilya ko, para din hindi magsisisi ang asawa ko, na ako ang napangasawa nya 'di ba?"
                      "Pagkatapos kong mamasada ng padyak , pag-uwi ko ng gabi,may dala na akong isang kilong bigas na ulit, para sa gabihan at ang kita kong mahigit sa dalawang daan ay ibinibigay ko sa asawa ko. Nagtitira lang ako ng sampong piso pambili ng isang empanada at dalawang kalihim. Yung mahigit sa dalawang daan na'yun ay ang asawa ko na ang magbubudget para sa pag-aaral ng dalawa kong anak. Oo, sa walo kong anak, dalawa ang pumapasok sa eskwelahan. 
                       Ang bunso ko na nasa grade 5 na at ang pangalawa sa bunso ko na gagraduate na sa March sa elementarya. "Manong , bayad ko po," inabutan ko ng bente pesos si Manong Pula."

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Photo essay - Responsibilidad ni Ina