Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2017

Photo essay - Responsibilidad ni Ina

Imahe
Photo Essay Responsibilidad ni Ina Kaylangan ng Nanay magtrabaho upang dagdag pantustos sa mga anak.   Ang magsilbi para sa pamilya.     Magluto   Maghugas ng pinagkainan.   Maglinis ng tahanan.    Maglaba Gabayan ang anak sa pag aaral.   Paliguan ang anak.   Mahalin at makisama sa mga anak.   Higit sa lahat hindi kinakalimutan ang sarili.  
Imahe
BIOGRAPHY Profile Picture Cover Photo Photos Tagged with Marl Sapungan Marl Sapungan post. TANG-INA MAY GUMAMIT NG FB KO KGABI GGRRRRR...!!! Upload Pictures Events Krisha greeted Marl to his birthday. Happy Birthday fafa
HUMSS                 Humanities and Social Sciences (HUMSS). Ano ang mga under ng humss? Criminology, Education etc. Kaya sa humss ako nag enroll. Kai magpupulis ako. Maganda at advance ang mga sakop na leksyon/topic na napapaloob sa humss.                Sa Humss ng Cefi (Calayan Educational Foundation Inc.)  kayo mag paenroll. Bukod sa mababait at magaganda't gwapo abng mga Teacher doon ay mayroon silang iba't-ibang style ng pagtuturo upang maipabatid sa estudyante ang nais nilang maituro at maintindihan ng estudyante sa mabilis at malinaw na pamamaraan.                Mayroon kaming mga subject na CNF (Creative Non-fiction). Nung first sem ang subject namin dun ay Creative Writing. Nagsusulat kami ng mga tula, sanaysay at sariling kwento. Pinapabayaan kami ni Sir Ursua na gumawa ng kwento base sa sarili naming style. Hindi nya kami tinuturuan kung ano...
Minamahal naming Pangulong Rodrigo Roa Duterte,                Bilang isang estudyante, mayroon din po akong opinyon sa partikular na usapin sa EJK (Extra Judicial Killings) na ito, na ang magiging mistulang kahulugan ng bansang Pilipinas. Simula nang maupo ka sa pwesto tinutukan mo na ang kaso sa droga, Pero siguro kung hindi ka nahalal bilang Presidente ng Pilipinas adik na ang mga Pilipino, pati ang walang kamuwang-muwang sa sinapupunan ng kanyang Ina ay nakalanghap na rin ng droga. Ka'si, alam mo kahit mga buntis , walang takot na lumalanghap ng droga kahit nanganganib ang kanilang anak.               Noon, napanuod ko ang umere sa komersyal tungkol sa'yo na, karakter ang mga bata, noong panahon ng kampanyahan. Oo, nakakaapekto sa manunuod ang pagmumura mo kahit sa harap ng kamera, nagpapatunay lang 'yun na himdi ka plastik , inilalabas at ipinapakita mo na agad sa taong bayan ang baho mo, ang karakas mo. ...
Awtobiograpiya                     Walong bwan palang raw ako ng iwan at paalagaan ako ni mama sa lola ko, pati narin ang kuya ko. Habang nasa puder ako kami ni lola sa lucena si mama ay busy sa pagtatrabaho sa Maynila. Umuuwi siya kapag day off  nya sa trabaho. Isang beses naalala ko, saktong uwi ni mama galing maynila nag-iinom sila tiyo, pinatagay nila ng isang tagay si kuya nok. Kaya pagkarating ni mama ako lang ang mag isang sumalubong kay mama, si kuya nok ay hindi makalapit kay mama. "Ba't di nalapit si kuya nok?" si mama. "Pamo pinainom ako ng alak nila tiyo " si kuya nok habang iyak ng iyak. Tawang-tawa naman si mama, akala siguro ni kuya nok papagalitan sya ni mama. Dati nga pala nauwi pa samin si papa. Ang lagi nyang pasalubong ay tinapay. Kapag andun si papa samin naglalaro kami ng habulan, ako aba-aba ni papa habang si kuya nok naman ang taya na naghahabol samin paikot-ikot lang kami sa tindahan, doon kami naghahab...
"Sampong Piso"                      Naaglalakad ako. Papunta saan? basta, daretso-daretso lang ako ng paglalakad.                      Sumakay ako sa tinatawag nilang padyak. Doon o nakilala si Manong Pula, pula ang pangalan nya kasi raw, may balat s'yang pula sa noo, mga kasing-laki ng sampong pisong buo. Yon ang bansag sa kanya ng kanyang mga kapwa magpapadyak.                      "May walo akong mga anak. Yung panganay, nasa Maynila. Nakalimutan na siguro kami. Lalake s'ya, si Marvince. Sumunod ang dalaga kong magdedebut na sa a-kinse ng pebrero. Mayroon na rin akong anak, na nasa langit. Mauuna na raw siya" saad ni Manong Pula,"                      "Mahigit dalawang daan, malaking kita na'yun sa isang araw. Bukod pa, kung 'di barat ang mga pasahero ko na...
Sanaysay                   Ayon kay Alejandro Abadilla ang sanaysay ay maraming kategorya, ito'y may mga pormal na sulatin.                   Ang tunguhin ng sanaysay sa kasaysayan ng panitikang Filipino ay ang mga manunulat noong mga nakaraang nakalipas na panahon, ang mga likha nilang sanaysay ang naging tulay hanggang ngayon. Upang malaman at mabigyang impormasyon ang bawat anggulo ng kasaysayan ng panitikang Filipino. Ito'y naging daluyan ng mga ideya sa pamamagitan ng pagsulat sa kanilang sanaysay, ang bawat mga ideya at impormasyon na tungkulin nilang ibigay sa bawat mambabasa.                   Maituturing na sanaysay ang talambuhay, dahil ang sanaysay ay may katangian na mailathala o isulat ang iyong sariling opinyon at karanasan, samantalang ang talambuhay ay mga piling pangyayari sa buhay ng tao, na may isang katangian sa pagsusulat ng...